Paano pumayat sa OOTD?

9:41 PM



[Top and Cover Up-Thrift Shop] [ Bag- SM Dept Store] [Shorts- Lee}
[Sandals- Punkberry]

Hi mga bes! Nagbabalik ang nagiisang stylista sa internet! Walang iba kundi Stylistaavie (drum roll) LOL nagtataka ka bakit nagtatagalog ulit ako? Oh well mas naeexpress ko kasi ang nararamdaman ko pag Tagalog. Oh siya tama na ang dahilan at dumiretso na tayo sa aking OOTD! Chos! Halata naman na tumaba ako! Obvious naman di ba? Isa ang problema na kailangan kong harapin bilang style blogger hahahahaha (style blogger talaga?) Paano nga pumayat sa OOTD (Outfit of the Day)? Eto ayon lamang sa aking naranasan habang nagpapapicture para sa website na ito.

1. Itago ang tiyan gamit ang bag

Eto ang isa sa mga pinakamadaling gawin! Bakit? Kasi pwede mong itago ang malaking tiyan na meron ka. Epetikbo ang paraan kapag tapos ka ng kumain. Tas trip mo mag papapicture? 

2. Wag tumagilid
Bakit bawal tumagilid? Isa ito sa mga inaakala na iba na nagpapayat sa kanila. Dahil sa totoo lang nagpapalaki nito ng braso. Yikes! Ayaw natin yan mga ka bes!

3. Takpan ang doble baba
Ito ay tulad sa ginawa ko sa larawan sa itaas. Itago ang doble baba sa pamamagitan ng kamay. Ito ay epektibo pag dumoble na ang baba mo.

4. Magcross legs 
Isa itong ilusyon na payat ang iyong mga naglalakihang mga hita. 

5. Iangulo ang ulo at itaas

Matinding practice ang kailangan dito, ang paraan na ito ay di madaling matutunan. Una ay kailangan muna hanapin ang anggulo mo. 


Sana nagustuhan niyo mga bes ang aking mga payo kung paano pumayat sa OOTD. Kung ang problema niyo ay kung paano pumayat. Di ako kailangan niyo kundi doctor. Hangganng sa muli mga bes!




You Might Also Like

0 comments